Lunes, Abril 16, 2012

BLKD

sa tindi ng lyriko, ako’y napatunganga.

nalaman kong taga UP to, ako’y napahanga.

sa talim ng mga salita, kaya nitong pumunit ng tingga.

isa sa mga idolo kong balakid nga talaga.


siya yung tipo ng rapper na pwedeng ipagyabang.

di pa nakitang may hang over, mabuti tong nilalang.

iniangat ang edukasyon mula sa lupang tigang.

ipapalasa ang letra, paniguradong iyong igagalang.



siya ang katibiyan, ang nerdo’y di baduy.

hindi iluluwa ng fliptop, kayang kumain ng apoy.

pag siya kalaban mo, para kang niliyaban na kahoy

sa tindi ng kataga, gagawin kang panggatong sa pag iinit ng ‘kaning baboy’



ito yung bata na talagang may kinabukasan.

sa talas ng isip nito, pag kausap siya’y parang nasa balagtasan

talento niya dapat suportahan at ingatan

ganito yung uri ng tao na pinapapatay ng dayuhan



siya yung taong halos kapantay ni Gloc at loonie.

hindi patawa katulad ng iba na parang pony.

ito ang taong ipagmamalaki talaga ng UP

lalong lalo na ni master KOKI

 

Good luck BLKD a.k.a "THE FUTURE OF HIPHOP"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento